Willie Revillame, magbibigay ng P100k sa mga pamilya ng nasawing OFWs sa Beirut
Magpapa-abot ng tulong pinansiyal ang TV host na si Willie Revillame sa mga naiwang pamilya ng mga overseas Filipino worker na namatay dahil sa naganap pagsabog sa Beirut, Lebanon noong Martes (Agosto 4).
Sa televised briefing ng Palasyo noong Biyernes (Agosto 7), sinabi ni Revillame na magbibigay siya ng P100,000 sa mga naulilang pamilya ng apat na Pilipinong nasawi sa matinding pagsabog.
"'Yung apat na pamilya po na naulila, I'm willing to give P100,000 each," saad ni Revillame.
Ayon naman kay Presidential spokesperson Harry Roque, maaaring makipag-ugnayan ang mga naiwang pamilya sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) para sa naturang tulong pinansiyal.
Bukod dito, magbibigay rin ng P5 milyong piso ang Wowowin host para sa mga jeepney drivers na lubos na naapektuhan ng COVID-19 pandemic. Dederetso ang donasyon sa Department of Transportation para sa distribusyon ng cash aid.
Kuya Willie papano Naman Po Yong mga taxi drivers na Wala Rin namang byahe bat demo sinali na bibigyan NG ayuda
ReplyDelete