Willie Revillame, mamimigay ng P5M ayuda sa mga jeepney drivers
Inanunsyo ng TV host na si
Willie Revillame na magbibigay ito ng P5 million-assistance sa mga tsuper ng jeep na naapektuhan ng COVID-19 pandemic.
"Sa sarili kong pinag-ipunan, dahil ako naman po ay may trabaho ngayon at siyempre napakahirap. Gusto kong tumulong una doon sa mga jeepney drivers. Sa tingin ko ito ang mga unang nangangailangan," sabi ni Revillame sa televised briefing ng Palasyo, Biyernes (Agosto 7).
"I am willing to give, sa akin pong naipon, hindi naman ito pagmamayabang, ito lang ang puwede kong maitulong sa gobyerno kasi hindi naman ako puwedeng lumapit kay Mr. President, sa mahal na Pangulo na 'Ito ibibigay ko,' hindi magandang tingnan. Siguro sa inyo (Roque) na lang, ang balak ko ho ay magbigay ng P5 million ngayon, sa araw na ito, at handa ako na ibigay sa jeepney drivers na talagang namamalimos na," dagdag niya.
Ayon pa kay Revillame, maglalaan ulit ito ng P5 milyon sa darating na Septyembre para sa mga higit na nangangailangan at kung kakayanin, ay buwan-buwan na siyang magbibigay ng donasyon.
Ang lahat ng tulong na manggagaling sa Wowowin host ay idederetso sa Department of Social Welfare and Development at Department of Transportation, sabi ni Presidential spokesperson Harry Roque.
Meron Po ba ako ma kokoha sa ayuda galing sa gobyerno ilang buwan na Po ako dito na sa manila mga magulang ko po taga Samar tas Wala na Po ako halos ma tirhan kaya Po kinopkop Lang Mona ako ng mga kamag anak ng mga tiyohin ko sana Po ma tulongan nyo ako kahit ma ka owi nalang ng pruning maraming salamat po
ReplyDelete