Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Co-founder ng Duty Free, natupad na ang misyong makapamahagi ng $8-B


Matapos ang apat na dekada, natapos na rin sa wakas ang misyon ng bilyonaryong co-founder na si Charles ‘Chuck’ Feeney na makapagpamahagi ng kaniyang kayamanan at magkaroon ng simpleng pamumuhay.


Sa ilalim ng prinsipyong  ‘Giving While Living’, ipinangako ni Feeney na uubusin niya ang kaniyang yaman bago siya pumanaw sa pamamagitan ng pagbibigay ng donasyon sa mga charity sa iba't-ibang panig ng mundo.


Karamihan sa kaniyang salapi ay naipamahagi niya sa isang charitable institution sa Ireland kung saan siya isinilang.


Ayon sa Forbes, nakapagbigay si Feeney ng $3.7 billion sa edukasyon, kasama ang halos $1-B sa kaniyang alma mater, Cornell, mahigit $870 million sa  human rights at social change, $700 million para sa kalusugan kabilang na ang $270 million grant para sa ikakaayos ng public healthcare system sa Vietnam at $176 million sa Global Brain Health Institute.


At nito lamang Septyembre 14, ibinigay na ni Feeney ang kaniyang kahuli-hulihang tseke. Sumatotal, umabot sa $8 bilyong ang naipamudbod ni Feeney sa mga nangangailangan. 

Share:

Yehliu Geopark hosts the annual Queen's Head lightshow and music

(Photo: Taiwan Tourism Bureau)

Yehliu Geopark on Taiwan's north coast which is known for its unique geological formations, will host light shows and music according to the North Coast and Guanyinshan National Scenic Area Administration (NCGNSAA).


A five-minute light show will take place every 30 minutes at the geopark from 6:30 to 9 each evening, the event will last until October 4.

Meanwhile, a musical performance — the Queen’s Head concert will take place in the evening of October 3.

The usual events takes place every April but due to the global pandemic it is now moved to Ocotiber for 2020.
Share:

AUOptronics in Taichung to hire more OFWs with no placement fees, free broker's fee and more


MECO Polo Taichung posted in facebook regarding AU Optronics to hire more OFWs as the compeny offers no placement fee and no broker's fee, no payment for ARC and medical fee.


AU Optronics is known for its panel manufavturing business that employs more than 1,400 OFWs on its factories plant around Taiwan.

Check post below by MECO Polo Taichung:




AU Optronics Corporation (AUO) was formed in September 2001 by the merger of Acer Display Technology, Inc. (the former of AUO, established in 1996) and Unipac Optoelectronics Corporation. In October 2006, AUO acquired Quanta Display Inc.

AUO is a global leader in optoelectronic solutions and now houses a staff of more than 38,000 throughout its global operations spreading across Taiwan, Mainland China, Japan, Singapore, South Korea, the United States, and Europe.
Share:

4 na aktibong bulkan, pinangangambahang sumabog dahil sa abnormal na aktibidad


Dahil umano sa abnormal na aktibidad ng 4 na aktibong bulkan nitong nagdaang mga araw sa bansa ang kasalukuyang inoobserbahan ngayon ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).


Ayon kay Phivolcs Director at Department of Science and Technology (DOST) Undersecretary Renato Solidum na ang apat na bulkang ito ay ang Taal sa Batangas, Mayon sa Albay, Bulusan sa Sorsogon at Kanlaon sa Negros Island.


Sinabi ni Solidum ang Bulkang Taal na huling nag-alburoto nitong Enero, ay nagpakita umano ng panibagong aktibidad dahil sa pressure habang ang Mayon naman ay may nakitang paglapad ng paanan nito


“At alert level 1, all the aforementioned volcanoes earlier can actually have a steam-driven explosion,” saad ng opisyal.


“Meaning po, ‘yung mga maiinit na magma can actually boil up the water and cause the explosion. And then people should not go inside their danger zones. Kasama po sa Taal Volcano Island ang bawal,” dagdag pa ni Solidum.


Nagpahayag din ng pagkabahala si Solidum dahil hindi naaprubahan ang panukalang P133-M budget ng Phivolcs para sa susunod na taon. Ganunpaman, hindi umano nito maapektuhan ang kanilang trabaho bagama’t may epekto ito sa kanilang IT system at modernization ng kanilang kagamitan. 

Share:

Pres. Duterte unlikely to resign as Philippine leader, says Roque


Presidential spokesperson Harry Roque said Tuesday, that President Rodrigo Duterte offered to resign out of "frustration" over corruption, noting that the President will use his last two years in power to weed out corruption in the government.


Roque said Duterte's resignation did not push through.


"I think he won't resign now because he only has two years left in office. He will dedicate his remaining time to really clean up government agencies," said Roque


Duterte claimed in his most recent public address that he volunteered to leave his post because he was sick of pervasive corruption in government and the hashtag #PaalamDuterte became a trending Twitter topic the morning after the President's address, but Roque said it was unlikely to happen.


"Hindi naman po kauna-unahang beses na sinabi ni Presidente 'yan... Ang talagang frustration po niya ay talagang hindi nawawala itong korapsyon," he added, saying that the fresh remarks were just an "expression of exasperation."


On the President's plate are the corruption issues hounding PhilHealth, reportedly perpetuated by an internal "mafia" which had led to losses worth ₱15 billion. Duterte ran his 2016 campaign on the promise of ending corruption and illegal drugs in three to six months, but they continue to hound the administration four years into his term.

Share:

3 guro sa Abra, kailangan pang umakyat sa puno para sa internet signal


Tatlong guro sa Lacub, Abra ang umaakyat sa mataas na puno upang makasagap ng internet signal para makapag-submit ng kanilang report sa paaralan.


Ayon sa GMA Regional TV "Balitang Amianan", sinabing nagtuturo sa Talipugo Elementary School ang tatlong guro at kanilang tinuturuan ang mga estudyante mula sa kindergarten hanggang grade six.


Saad ng isa sa mga guro, nakiusap sila sa mga opisyal ng barangay na gawan sila ng hagdan paakyat sa puno para maging ligtas naman sila sa tuwing kailangan nila ng internet signal.


Samantala, matapos gawin at ayusin ng mga guro ang mga learning modules na gagamitin sa darating na pasukan ng mga mag-aaral sa Magsalang Elementary School sa Tineg, Abra, sinimulan na rin nila itong ihatid.


Naglalakbay ng tatlo hanggang apat na oras ang mga guro, tumawid ng ilog, umakyat ng bundok para ihatid ang mga modules.


Nagpapasalamat naman ang mga guro sa nagpahiram sa kanila ng kabayo para may katulong sila sa pagbitbit ng mga learning modules, sa kabila ng hirap, masaya raw ang mga guro dahil nagagampanan nila ang kanilang tungkulin bilang guro at batid nilang para ito sa mga kanilang mga mag-aaral.

Share:

Philippines will sell properties in Japan only if necessary: Roque



Palace spokesperson Harry Roque made a statement after President Rodrigo Duterte said on Monday that the government was selling properties, including those in Japan only if necessary, to augment the funds of the Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth).


The Philippines acquired four properties in Japan as part of the reparations agreement signed by the two countries in 1956. These are located in Roponggi and Nampeidai in Tokyo and Naniwa-cho and Obanoyama-cho in Kobe.


“Huwag po kayong mag-alala, dahil nga po sa Universal Healthcare Law, kung kulang po iyan ay tutustusan po galing sa kaban ng taumbayan. Kaya nga po, kung kinakailangan, ibibenta iyong mga properties na iyan,” Roque said in a televised briefing.


“Paninindigan po niya iyong obligasyon ng estado na pangalagaan ang kalusugan ng mga Pilipino. If it means having to sell assets, why not?” Roque added.


The Department of Foreign Affairs (DFA) said the Roponggi property whose first floor and part of the basement are currently used as offices of the Philippine Embassy in Tokyo is already subject to the 1997 Development Agreement and would only be reverted to the Philippine government in 2047.


The department also said that the Naniwa-cho and Obanoyama-cho properties in Kobe prefecture could not be sold due to the 2005 Service and Development Agreement (SDA), which provides that the possession of property will only revert to the Philippine government in 2058.


According to the DFA that the Nampeidai property, meanwhile, is still subject of a pending case before the SC. - GMA NEWS

Share:

Manampalataya at manalig sa Panginoon sa kabila ng mga unos


Kaya pinawi ng Panginoong Hesus ang mga pagdududa ni Tomas, nang muli siyang magpakita rito, ipinakita niya ang mga pilat o bakas ng kaniyang mga sugat. Kasunod ng mga salitang sinabi ni Hesus sa kaniya, "Huwag ka nang mag-alinlangan pa, sa halip ay maniwala ka."


Ilan kaya sa atin ang kagaya ni Tomas na mayroong pagdududa lalo na ngayong panahon ng pandemiya marahil dahil sa krisis na ating nararanasan, may ilan sa ating ang nagdududa at nawawalan na ng tiwala sa Diyos.



Sapagkat pagmulat pa lamang ng ating mga mata sa umaga at tayo ay nakakahinga pa, isa na itong pagpapatotoo na ang Diyos ay hindi isang kathang-isip lamang bagkos ay totoong umaalalay sa atin sa kabila ng mga pagsubok na ating nararanasan.


Kung dumaranas man tayo ng matinding pagsubok dahil sa COVID-19, hindi ito nangangahulugan na tinatalikuran na tayo ng Panginoon, Ang totoo walang dahilan para magpakita pa siya ng ebidensiya para lamang patunayan na siya, dahil ang mismong mga buhay natin dito sa ibabaw ng mundo ay isa nang matibay na ebidensiya ng kaniyang wagas at nag-uumapaw na pag-ibig sa atin.



Tanging Diyos lamang ang nakakaalam kung bakit tayo kasalukuyang dumaranas ng mga pagsubok. Subalit sa kabila nito, hindi ito dapat ang maging dahilan para masira ang ating tiwala at pananampalataya sa Kaniya.


Pinaalalahanan tayo ng Ebanghelyo na kailangang ipakita natin sa Panginoon ang ating buong pagtitiwala at pananampalataya sa Kaniya sa kabila ng mga nararanasan nating krisis sa buhay. Amen

Share:

Popular restaurants in Taiwan found breaking several food safety laws


Taiwan's Food and Drug Administration (FDA) said that there were nine popular restaurants in several cities and counties have been caught violating food safety regulations.


The findings were brought to light during the agency's inspection checks of 164 restaurants, some of which are located in tourist attractions and some are popular restaurants that are highly evaluated said FDA.

FDA specialist Chen Mei-chuan said some were using expired ingredients and others were found to have been cooking dishes using vegetables contaminated with excessive pesticide residue.

Nine restaurants failed the extensive checks including Sushiro Taipei Zhonghua Restaurant, which was found to have served a crab and shrimp salad dish below sanitation standards. Thai Town Zhubei Guangming Store in Hsinchu County and Sud Vista Restaurant in Miaoli County were found using expired ingredients.

Yi Hsuan Kitchen in Hsinchu City, Ya-yuan Restaurant in Taichung and Wu I Ssu Kitchen in Tainan were found to have been mislabeling halibut as more expensive codfish.

the Hsinchu J. Piin branch of Little Mongolian Hot Pot restaurant, Chien-Yeh Shabu Shabu in Taitung City and Cafe NuNu in Hsinchu County were found using vegetables containing excessive amounts of pesticide residue.

Violators of food safety are slapped with a fine ranging from NT$30,000 to NT$60,000.
Share:

2 nursing grads, student stabbed dead in Caloocan; construction worker suspected killer


Two nursing graduates and a student were found dead after being stabbed multiple times at a house along Catmon street in Barangay 179, Caloocan City on Sunday (September 27).


The victims were identified by the authorities as Mona Ismael, 22; Glydel Belonio, 28, and Arjay Belencio, both nursing graduates preparing for the board examination.

According to Lt. Col. Ilustre Mendoza, city police assistant chief for administration, the remains of the victims were discovered by their neighbor Johny Aliansas, 30, after being instructed by the relatives of the victims to check on them.

As of the moment, revenge is one of the suspected motives behind the killing, said Caloocan police chief Dario Menor.

Four construction workers are now being considered as persons of interest by the police after one of them, Bingbing Sarmiento, was fired a week before the incident when he was caught by Belonio sniffing shabu.
Share:

COVID-19 in Metro Manila approaches 200% growth rate, says Roque


According to presidential spokesperson Harry Roque that the growth rate of COVID-19 cases in Metro Manila is nearly reached 200%, Reported by GMA NEWS.


Roque said growth rate and average daily attack rate are now the factors that the government is considering for quarantine classifications.

“Kinukumpara 'yung figures every two weeks. 'Yung daily attack rate po, ilan ang nagkaroon per 100,000. At 'yung growth rate, gaano kabilis nag-doble din 'yung mga kaso,” he said.

Roque stated growth rate at more than 200% is considered "high," less than 200% is "moderate," while 0% is low. the growth rate and also the average daily attack rate in Metro Manila are at moderate level.

The Philippines logs 307,288 COVID-19 cases and still the highest across Southeast Asia.

Religious gatherings are allowed under GCQ but only 10% of the venue capacity may be occupied.  
Share:

Number of migrant workers in Taiwan drops due to strict border control amid pandemic


Taiwan's number of migrant workers dropped below 700,000 due to the implementtion of border control due to COVID-19 pandemic according to the latest statistics from Ministry of Labor (MOL).


The total number of migrant worker began to drop continuously due to border control measures, reaching 699,154 from 719,487 in September 2018.


Daily arrivals of migrant workers averaged 624 last year, but average arrivals in August and September of this year totaled approximately 160 each month according to MOL official Hsueh Chien-chung.


Additionally, MOL also said that employers of migrant workers can apply to extend their contracts by three months amid the Wuhan coronavirus (COVID-19) pandemic.


More than 80,000 migrant workers have been able to stay at their current jobs or obtain new employment in the country as it is the government efforts to reduce human flow.

Share:

Guro, nahulog sa isang creek nang magdeliver ng learning modules sa mga students


Isang college professor mula sa Tandag City, Surigao del Sur ang nahulog sa isang creek habang papunta ito sa mga students para magdeliver lang sana ng learning modules.


32-year-old social sciences teacher na si Moises Palomo ay tumatawid sa isang makeshift bridge hanggang mahulog ito mula doon.


"Literal na drop sa tulay 😂 Untana answeran ni nila kay kulang nlang makigbugno ko sa gahiluno na buaya ug tangkig para lang mahatod sa tugbongan!" ayon kay Palomo.


(Sana sagutan nila kasi kulang na lang makipagpatayan ako sa nagpalit balat na buwaya at ahas tubig para lang mahatid sa dagsaan!)


Ayon kay Palomo, ang mga kainigay niya ang gumawa ng mga modules bilang parte ng  “Distance Learning Amidst COVID-19” program nila para sa mga studyante. 


"Actually nagulat ako kasi una pinost ko kasi natawa ako sa reaksyon tapos madaming nagreact, tumawa, naawa. Na-shock ako kasi feeling ko ang daming naka-relate... Medyo kinabahan baka po kasi sabihin na pinabayaan ng DepEd. In fact naman own way (ko) 'yun para makatulong," ayon kay Palomo sa isang interview.


(Photos courtesy of Moises Palomo)

Share:

Hsinchu claimed top spot, Miaoli dead last in cities and counties competitiveness ranking


Hsinchu has surpassed Taipei to take first place in an annual competitiveness ranking of the special municipalities, cities and counties in Taiwan, marking the first time that the capital has lost the top spot in the rankings, according to results released Monday by Taiwan's Global Views magazine.


Taipei has ibeen ranked the most competitive since the magazine began compiling the annual rankings in 2003, although it still scored highest in four out of the nine indicators, Global Views said.

Taipei had the top scores in "economy and employment," "education and culture," "health care" and "local government finances," according to the magazine.

The city also placed among the top five in three other indicators: "environmental protection and quality of the environment" (4), "quality of life and modernization" (3) and "social welfare" (4).

Taipei's low rankings in "crime rates and policing" (10) and "traffic and fire safety" (16), however, dragged down its final score, according to the magazine.

Hsinchu, meanwhile, placed in the top five in eight of the nine indicators (it placed 6th in "quality of life and modernization"), which none of the other cities and counties were able to achieve, the results showed.

Trailing Hsinchu and Taipei this year were New Taipei (3), Taichung (4), Taoyuan (5) and Taitung County (6).

Of the six special municipalities in Taiwan, Kaohsiung ranked lowest at 16. At the bottom of the table were Chiayi County (17), Nantou County (18) and Miaoli County (19).

The offshore counties of Penghu, Kinmen and Lienchiang were not included in the annual rankings due to a lack of data, according to the magazine.

Hsinchu was only able to achieve its feat because of the hard work of the city's citizens, Lin said, adding that he will strive to continue to improve as mayor. -Central News Agency
Share:

Usual Taipei 101 fireworks show to continue amid global pandemic



This year's Taipei 101 New Year's Eve countdown fireworks show will be held despite the COVID-19 pandemic, the building's operators said Monday.

As Taiwan has done a successful job combating COVID-19, the fireworks show will be held as usual and last for five minutes, though specific details are still being worked out, Taipei Financial Center Corp. said.

The fireworks show last year featured approximately 16,000 fireworks as well as animations on Taipei 101's giant T-Pad wall, which is made up of 140,000 LED bulbs and covers one side of the building's exterior from the 35th to 90th floors. -Central News Agency

Share:

DSWD, mamimigay ng ayuda sa mga lugar na nananatiling naka-lockdown


Inanunsyo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) noong Sabado (Septyembre 26), na mamamahagi ito ng emergency subsidy sa mga pamilyang nakatira sa mga lugar na nananatili pa ring naka-lockdown dahil sa COVID-19.


Sa isang press briefing sinabi ni Social Welfare Secretary Rolando Bautista na ang hakbang na ito ay bahagi ng  "response and recovery intervention" para sa mga kwalipikadong benepisyaryo sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Act (Bayanihan 2).

Ngunit sa kasalukuyan, pinaplantsa pa lamang ang guidelines na ipapaloob sa implementasyon ng nasabing recovery program.

"Isasapinal ang panuntunan upang magsimula, hinihimay-himay namin para makaalign sa maging function ng aming ahensiya," ayon kay Bautista.

Ilan pa sa mga proyektong pagtutuunan ng pansin ng ahensiya ay ang tulong para sa mga indibidwal na nasa sitwasyon ng krisis livelihood grants, social pensions para sa indigent senior citizens, at feeding programs.
Share:

Pres. Duterte, 'hindi interesadong' i-extend ang termino, ayon kay Roque


Hindi umano interesado si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpapalawig ng kaniyang termino, ayon sa Malacañang nitong Lunes (Septyembre 28), matapos lumabas ang mungkahing nais magpaliban sa 2022 elections dahil sa banta ng COVID-19 virus.


Giit ni Presidential spokesperson Harry Roque, ang ideya ni Pampanga Rep. Mikey Arroyo's na ipagpaliban ang susunod na eleksyon ay hindi magiging opsyon ng Palasyo dahil sa 1987 constitution.

"The President is not interested in extending his term. And he leaves it to the Filipino people, the sovereign people, to decide if they want to amend the Constitution to postpone the elections," saad ni Roque sa isang press briefing.

"It can never be an option for Malacañang, unless the Constitution is amended," dagdag pa nito.

Sa ilalim ng 1987 Philippine charter, nakasaad na dapat maganap ang presidential at vice presidential elections sa tuwing ikalawang Lunes ng Mayo kada anim na taon.
Share:

Taiwan will not import any made in China COVID-19 vaccine: health minister


Taiwan will not import COVID-19 vaccines manufactured in China due to a longstanding policy against importing China-made vaccines and other biological products according to Minister of Health and Welfare Chen Shih-chung, CNA reported.


Chen announced that Taiwan had signed up for the COVAX vaccine allocation plan but would not buy vaccines made in China through COVAX even if they were approved.

COVAX is a global initiative aimed at accelerating the development and manufacturing of COVID-19 vaccines and to guarantee fair and equitable access to the vaccines for every country.

Taiwan has never allowed imports of vaccines, plasma derivatives, and globulins, a kind of protein, that are made in China, Chen explained.

There are nine vaccines in COVAX's portfolio that have progressed to the final stage of human trials, four of which are being developed in China and one in Russia. The other four are being developed by American and European biotech and pharmaceutical companies.
Share:

Direct Hiring: Chroma in Taoyuan ang Kaohsiung now hiring factory workers directly in Taiwan


Chroma ATE located in Taoyuan and Kaohsiung now directly hiring factory workers (production operators) ready for transfer and those with expiring contracts while in Taiwan.


Check below job post:





About Chroma:


Founded in 1984, Chroma ATE Inc. is a world leading supplier of precision test and measurement instrumentation, automated test systems, intelligent manufacturing systems, and test & automation turnkey solutions marketed globally under the brand name "Chroma".


Chroma ATE has been honorably recognized as one of the top 35 brands in the Interbrand 2019 Taiwan Top Global Brand Valuation League Table.


*This site is not a recruitment agency nor agent

Share:

Pacquiao confirms comeback fight by 2021; prize money to help PH COVID-19 response


Senator Manny Pacquiao is expected to have a boxing match with mixed martial artist Conor McGregor as members of the Filipino’s team confirmed on Saturday (September 26).


"It is confirmed the negotiation between the camp of Senator Pacquiao and McGregor is now starting to move on," said Pacquiao's assistant Jayke Joson in a statement.


However, the two camps were a “long way” from agreement as negotiations  to seal that fight will have to go through Premier Boxing Champions (PBC), the outfit that has Pacquiao under contract for two more fights.


If the boxing match will push through, all the earnings of Pacquiao from the fight will be donated as part of the Philippines' COVID-19 response.


“For the sake of all the Filipino COVID-19 victims, Sen. Manny Pacquiao will be fighting UFC superstar Conor McGregor next year. The huge portion of his earnings will proceed to those who are affected nationwide by the pandemic,” said Joson.

Share:

Tindera ng gulay, ibinalik ang napulot na P2.7M; reward money tinanggihan


Sa kabila ng mas pinahirap na buhay bunsod ng pandemya, hindi pa rin nagpatinag sa silaw ng pera si Alice Baguitan, isang tindera ng gulay sa Laoag, Ilocos Norte matapos makapulot ng bag na may lamang P2.7 million.


Lahad ni Baguitan, kumakain siya sa isang fast food chain nang biglang tumabi sa kaniya ang isang babae na may bitbit na bag.


Makalipas ang ilang sandali, nagmamadaling umalis ang babae kung kaya marahil nawala na rin sa isip nito ang daladala niyang bag.


Nagulat si Baguitan sa halaga ng pera na tumambad sa kaniya nang buksan ang bag ngunit hindi siya nagdalawang isip na ibalik ito sa may-ari.


Mabuti na lamang at narinig niya na patungong bus terminal ang babaeng nagmamay-ari ng bag kung kaya agad niya itong hinabol.


Sinalubong naman siya ng yakap ng babae at malugod na binibigyan pabuya na siya namang tinanggihan ng tindera.

Share:

OFW in bad condition after a motorcycle accident in Taiwan, asks for financial assitance


In behalf of Christian Troy, an overseas Filipino worker (OFW) in Kaohsiung, Taiwan, Jane Gamueda rewched out to fellow OFWs for financial assitance after her nephew experience a motorcycle accident.


Christian has multiple severe injuries like broken jaw, broken orbit on his eye and bleeding in his brain. He has post traumatic amnesia right now and has 4 surgeries ahead of him.

Jane Gamueda wrote on Gofundme:

"My nephew Christian Troy was in a motorcycle accident going home when a taxi suddenly stopped in front of him, causing him to impact it violently due to not being able to stop in time. He is currently in bad condition. I'm trying to raise money to help my family pay for the medical bills. He has multiple severe injuries like a broken jaw, broken orbit on his eye, and bleeding in his brain. He has post traumatic amnesia right now and has 4 surgeries ahead of him. This is going to be a long and hard road to recovery. I know there are people here whom can spare what you can to help out during this tragic time. Any donations whether they are big or small will be greatly appreciated in our family's time of need. Thank you for all the support and we pray to God everyday for his safe and fast recovery."

Check below post:


For donations, visit: https://bit.ly/2EDCLdC
Share:

Customer who spent NT$10 on a tea egg won NT$2million in Taiwan's receipt lottery


A customer a 7-Eleven in Yangmei, Taoyuan City won NT$2 million in Taiwan's uniform invoice lottery system after the winning numbers of the receipt lottery for July and August.


At each draw of the uniform-invoice lottery, an eight-digit number is added which allows winners to collect NT$10 million and another number for a prize of NT$2 million.

The prizes can be claimed between Oct. 6, 2020 and Jan. 5, 2021, the ministry said upon announcing the winning numbers for the two-month period.

Meanwhile, a person who spent NT$35 on a bread product at a 7-Eleven convenience store in New Taipei City will be able to claim NT$10 million.

Taiwan's uniform invoice lottery system, which draws winning numbers every two months, was created to encourage consumers to collect their sales invoices as part of the ministry's efforts to prevent tax evasion by retailers.
Share:

Sino nga ba si Jesus para sa atin?


 

Naalala ko noong mga panahong hindi pa ako nagsisilbi sa ating Panginoon madalas ko siyang sinisisi kapag may mga problemang dumarating sa aking buhay.


Ito ay sa kadahilanang mababaw lamang kasi ang pagkakakilala at ugnayan ko sa ating Diyos, Sinisipag lamang akong magsimba kapag may gusto akong hilingin sa kaniya.


Sa Mabuting Balita na (Luke 9:18-22) mababasa natin na tinanong ni Jesus ang kaniyang mga Disipulo: "Anong sinasabi ng mga tao tungkol sa akin? Sino daw ako?".


May iba na nagsabing siya si Juan Bautista. Yung iba naman, siya si Elijah at yung iba ay Propeta daw siya noong unang panahon. Pero para sa kaniyang mga Disipulo, siya ang Kristo na isinugo ng Diyos.


Kapag tayo naman ang tinanong halimabawa, Sino si Jesus para sa atin? Ano ang ating magiging sagot?


Aminin man natin o hindi, may ilan sa atin ang hindi nakakakilala sa Diyos at hindi malalim ang kanilang ugnayan sa Panginoon Kaya kapag dumating ang mga pagsubok sa buhay tulad ko noon, madaling tumatamlay ang kaniyang pananampalataya.


Ang taong may malalim na pananampalataya at lubos na nakakakilala sa ating Panginoon ay tulad ng isang taong nagtayo ng kaniyang bahay sa  ibabaw ng bato. Dumaan ang bagyo, hindi natitinag ang bahay na ito dahil matibay ang pinagkakatirikan, Si Jesus ang batong pinagtayuan ng bahay.


Share:

SHS student, bumuo ng sariling bisikleta gamit ang pinagtagpi-tagping kahoy



Marami ang humahanga ngayon sa isang Grade 12 student na gumawa ng sariling bisikleta gamit lamang ang pinagdugtong-dugtong na kahoy at scrap materials.


Kwento ni Jayvid Tuguinay na taga Sta. Maria, Pangasinan, matagal niya ng gustong magkaroon ng bisikleta ngunit dahil sa kakulangan sa pera ay hindi siya makabili nito.


"Hindi po kasi ako makapag-ipon-ipon, makabili ng bike gawa po ng lockdown kaya naisipan ko na lang po na gumawa. And na-inspire po ako sa nakita ko sa Facebook na gumawa rin po ng bike na kahoy,” sabi ni Jayvid.


Isang linggo ang ginugol ng estudyante para mabuo ang kaniyang bisikleta na gawa sa kahoy at scrap materials na mula pa sa mga junkshop.


Bukod sa bike, mahilig din gumawa si Jayvid ng mga laruang sasakyan na gawa rin sa kahoy mula pa noong siya ay bata.

Share:

Taiwan announced winning combination for round 07-08 reciept lottery


The winning numbers for the months of July-August (07-08 round) of the Taiwan receipt lottery was announced by the Ministry of Finance (MOF) including the lucky combination for the NT$10 million special prize.


Check below for the winning combinations:


Winning number for the NT$10 million special  prize: 

13362795


Winning number for the NT$2 million grand prize: 

27580166


Winning numbers for the First Prize:

53227282

35082085

37175928


First prize for matching all digits earns NT$200,000 then right order or the last order number of seven digits can receive NT$40,000, six digits NT$10,000, five digits NT$4,000, four final digits in the right order NT$1,000, and with the three last numbers right NT$200.


Winning numbers for the additional prize of NT$200 matching the last three digits is:

987, 614


Congratulations to all winners!

Share:

13-anyos na dalaga na bibili lang ng soft drinks, nagahasa; suspek ama-amahan


Nabiktima ng panggagahasa ang 13-anyos na dalagita sa San Carlos City, Pangasinan matapos siyang lumabas ng bahay para lamang bumili ng soft drink sa tindahan.


Ang itinuturong suspek ay ang mismong ninong ng biktima na itinuring niyang pangalawang ama.


Kwento ng biktima na si "Nikka," hindi niya tunay na pangalan, bigla na lamang siyang hinatak ng kaniyang ninong mula sa tindahan at saka ginahasa.


Hindi agad nakasaklolo si Nikka dahil binantaan siya ng suspek na papatayin siya kapag siya ay nagsumbong.


Nais na mapanagot ng ina ng biktima ang suspek lalo pa at inamin mismo nito ang ginawang krimen.


Nang puntahan ng awtoridad ang salarin, wala na ito sa kanilang tirahan ngunit patuloy pa rin ang paghahanap sa kaniya.

Share:

P10 bilyong pondo ng SAP, hindi pa naipapamahagi ng DSWD


Nasa P10 bilyong pondo pa ng Social Amelioration Program (SAP) ang hindi naipapamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa ilang benepisyaryo ng programa.


Ang under-spending na ito ay napuna sa Senate committee on finance’s deliberations na layong pag-usapan ang P171.2-billion budget na hinihiling ng DSWD para sa taong 2021.

Sa hearing ay naitanong ng mga senador kung 14 milyong pamilya lamang ang nahatiran ng ayuda gayong 18 milyon ang nakalista sa Bayanihan to Heal as One Act na nilagdaan noong Hunyo.

“But 14 million out of 18 million (family beneficiaries) is a shortfall of four million based on the law and based on the appropriations… and you know, SAP 2 (second installment) is even more important because people continue to lose jobs and poverty incidence is on the rise,” sabi ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto.

Paliwanag naman ng DSWD, nabawasan ang  bilang ng mga benepisyaryo dahil napag-alaman ng ahensiya na ang ilang pamilya na kasama sa programa ay nakatanggap  din ng ayuda sa ibang sangay ng gobyerno.
Share:

Taiwan President Tsai Ing-wen named in Time magazine's 2020 list of 100 influential people


President Tsai Ing-wen (蔡英文) have been included in Time magazine's 2020 list of the 100 most influential people in the world.


"While Taiwan stands a mere 100 miles from mainland China, under President Tsai's leadership, it is neither adrift nor drawn in," U.S. Republican Senator Ted Cruz wrote praising the president.


"Freedom is its North Star, which has been clear in the midst of the COVID-19 pandemic. Taiwan has proved that the virus can be controlled-without emulating China's drastic policies,"he wrote.


This is the second time Tsai has been named by the magazine as one of the world's 100 influential people. The last time Tsai made the list was in 2016.


President Tsai's inclusion in the 100 most influential people list represents the achievement of the whole country and not her alone, presidential spokesman Xavier Chang said.


The president thanked everyone in Taiwan for their joint efforts in combating the COVID-19 pandemic.

Share:

200k pamilya, tatanggap pa ng SAP aid: DSWD


Nasa 200,000 pang benepisyaryo ang inaasahang tatanggap ng ayuda upang makumpleto ang implementasyon ng Social Amelioration Program (SAP), ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).


Noong Martes (Septyembre 22), sinabi ng ahensiya na 13,906,075 na pamilya mula sa 14.1 target beneficiaries na ang nahatiran ng financial assistance mula sa SAP.

Sa kabuuan, nagkakahalaga na ng PHP83.1 billion ang nailabas na pondo ng DSWD.

Ayon kay DSWD Undersecretary Rene Glen Paje, wala ng susunod na SAP sa taong 2021 dahil unti-unti ng nakakabangon ang bansa sa pinsalang dulot ng pandemya.

Dahil dito, saad ni DSWD spokesperson Irene Dumlao, mas pagtutuunan na ng pansin ng ahensiya ang ibang pang programa nito gaya ng Sustainable Livelihood Program (SLP).
Share:

Popular Posts

Blog Archive