1 taong gulang na bata, patay matapos makalunok ng marshmallow
Nangingisay na at hindi na makahinga nang maabutan ng kaniyang ina ang batang si Princess matapos niyang kainin ng buo ang kapirasong marshmallow.
Kwento ni Merlinda Austria, lola ng bata, nangyari ang insidente noon lamang Setyembre 1.
Nakabantay naman daw ang ina habang pinapakain si Princess ngunit nang umalis ito upang kumuha ng maiinom ay nakialam ang bata at saka isinubo ng buo ang kapirasong marshmallow.
"Pinapakain ng nanay 'yun, eh bantay-bantay naman niya, kaya lang pagkuha niya ng tubig, ayun na nga ho, siguro, nakapulot ng malaking marshmallow, kasi ho ginugupit gupit niya yun," kwento ng Lola.
Agad namang isinugod sa ospital ang bata ngunit sa kasamaang palad ay hindi na ito umabot pa ng buhay.
Paalala ng isang pediatrician na si Dr. Paul Baltazar, huwag dapat iniiwanang mag-isa ang mga batang tulad ni Princess dahil malaki ang posibilidad na mamulot ang mga ito ng kung ano-ano at isubo sa kanilang bibig.
"Choking and drowning, yang dalawang mga cause of deaths ng mga babies from 1-5 which is pwedeng iwasan naman with strict supervision," dagdag niya.
No comments:
Post a Comment