Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

18 kaso ng rape naitatala araw-araw simula noong quarantine: PNP


Papalo sa 18 indibidwal ang "average" na bilang ng mga nagagahasa sa bansa habang ito ay nasa community quarantine, ayon sa Philippine National Police (PNP) noong Septyembre 1.


Sa tala ng PNP, nasa 3,016 katao sa buong bansa ang namomolestiya mula noong Marso 17 hanggang Agosto  31, katumbas ito ng 18 tao araw-araw.

Ang bilang na ito ay doble kumpara sa walong kaso sa  isang araw na naitala noong nakaraang Mayo nang ilagay ang Metro Manila at iba pang probinsiya sa mas pinahigpit modified enhanced community quarantine.

Samantala, hindi naman idinitalye ng PNP kung aling lugar sa bansa ang may pinakamaraming kaso ng rape.

Ang kabuuang bilang ay mas mababa ng 26.09 percent o 24 na biktima kada araw kung ikukumpara sa 4,081 na kaso mula noong Oct 1, 2019 hanggang March 16, bago pa man magsimula ang enhanced community quarantine sa bansa.
Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive