Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

2 buwang sanggol, patay ilang minuto matapos turukan ng 'pampakalma' sa ospital


Hustisya ang dalangin ng ina ng dalawang buwang sanggol na namatay matapos turukan umano ng pampakalma sa loob ng isang ospital.


Kwento ni Jane Agustin sa kaniyang facebook post, dinala si Baby Angelo sa ospital ng Boac, Marinduque dahil sa pagsusuka at pagtatae.

Nang makarating sa ospital, agad naman na nilagyan ng swero ang bata ngunit ang pinagtataka ni Jane ay kung bakit hindi man lang sumailalim sa skin test si Baby Angelo upang malaman kung mayroon ba itong allergy sa itinurok na gamot.

Paliwanag naman ng isang nurse, ang itinurok na gamot sa sanggol ay pampakalma lamang at walang masamang epekto sa katawan.

Subalit makalipos lamang ang ilang minuto, nagsilabasan na ang mapupulang pantal sa balat ni Baby Anjelo. Unti-unti na rin itong nanghina at nangitim hanggang sa mawalan na ng buhay.
Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive