Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

3 guro sa Abra, kailangan pang umakyat sa puno para sa internet signal


Tatlong guro sa Lacub, Abra ang umaakyat sa mataas na puno upang makasagap ng internet signal para makapag-submit ng kanilang report sa paaralan.


Ayon sa GMA Regional TV "Balitang Amianan", sinabing nagtuturo sa Talipugo Elementary School ang tatlong guro at kanilang tinuturuan ang mga estudyante mula sa kindergarten hanggang grade six.


Saad ng isa sa mga guro, nakiusap sila sa mga opisyal ng barangay na gawan sila ng hagdan paakyat sa puno para maging ligtas naman sila sa tuwing kailangan nila ng internet signal.


Samantala, matapos gawin at ayusin ng mga guro ang mga learning modules na gagamitin sa darating na pasukan ng mga mag-aaral sa Magsalang Elementary School sa Tineg, Abra, sinimulan na rin nila itong ihatid.


Naglalakbay ng tatlo hanggang apat na oras ang mga guro, tumawid ng ilog, umakyat ng bundok para ihatid ang mga modules.


Nagpapasalamat naman ang mga guro sa nagpahiram sa kanila ng kabayo para may katulong sila sa pagbitbit ng mga learning modules, sa kabila ng hirap, masaya raw ang mga guro dahil nagagampanan nila ang kanilang tungkulin bilang guro at batid nilang para ito sa mga kanilang mga mag-aaral.

Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive