Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

4 na aktibong bulkan, pinangangambahang sumabog dahil sa abnormal na aktibidad


Dahil umano sa abnormal na aktibidad ng 4 na aktibong bulkan nitong nagdaang mga araw sa bansa ang kasalukuyang inoobserbahan ngayon ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).


Ayon kay Phivolcs Director at Department of Science and Technology (DOST) Undersecretary Renato Solidum na ang apat na bulkang ito ay ang Taal sa Batangas, Mayon sa Albay, Bulusan sa Sorsogon at Kanlaon sa Negros Island.


Sinabi ni Solidum ang Bulkang Taal na huling nag-alburoto nitong Enero, ay nagpakita umano ng panibagong aktibidad dahil sa pressure habang ang Mayon naman ay may nakitang paglapad ng paanan nito


“At alert level 1, all the aforementioned volcanoes earlier can actually have a steam-driven explosion,” saad ng opisyal.


“Meaning po, ‘yung mga maiinit na magma can actually boil up the water and cause the explosion. And then people should not go inside their danger zones. Kasama po sa Taal Volcano Island ang bawal,” dagdag pa ni Solidum.


Nagpahayag din ng pagkabahala si Solidum dahil hindi naaprubahan ang panukalang P133-M budget ng Phivolcs para sa susunod na taon. Ganunpaman, hindi umano nito maapektuhan ang kanilang trabaho bagama’t may epekto ito sa kanilang IT system at modernization ng kanilang kagamitan. 

Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive