Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

40 batang Pilipino edad 10-14 ang nanganganak kada linggo


 

Nasa 40 hanggang 50 ang bilang ng mga batang Filipino edad 10-14 ang nanganganak kada linggo ayon sa Commission on Population (PopCom).


Sa pahayag ni PopCom chief Juan Antonio Perez sa Senate budget hearing, nasa 64,000 ang kabuuang bilang ng mga menor de edad o 18-anyos at pababang kabataan ang nagluluwal ng sanggol kada taon.


“So perhaps, overall, with regard to teen pregnancy in the Philippines, 500 youths give birth every day,” dagdag nito.


Base sa Philippine Population Management Program's Directional Plan para sa taong 2017 hanggang 2022, mayroon ng 101 milyong kabataan ang Pilipinas.


Ang bilang na ito ayon sa tala ng Philippine Statistics Authority (PSA) ay mas mataas ng 8.64 million kumpara sa populasyon na 92.34 million noong 2010.

Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive