Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

89 kapitan, nasuspende kaugnay ng anomalya sa SAP


Nasa 89 na Punong barangay ang nasuspende sa tungkulin kaugnay ng anomalya sa implementasyon ng Social Amelioration Program (SAP), ayon sa Department of Interior and Local Government, Sabado.


Anim na buwan ang itinalagang suspensyon ng Office of the Ombudsman sa mga opisyal na ito, sabi ng DILG.

“Ang katiwalian ay walang puwang sa ating pamahalaan lalong-lalo pa ngayong panahon ng pandemya,” lahad ni Interior Secretary Eduardo Año.

Base sa opisina ng Ombudsman, matibay ang ebidensiya laban sa 89 na kapitan. Maaari pa silang permanenteng matanggal sa posisyon dahil sa mga kasong Serious Dishonesty, Grave Misconduct, Abuse of Authority at Conduct Prejudicial.

Sa kasalukuyan, 447 na indibidwal pa ang sinampahan ng kasong kriminal dahil sa paglabag sa Republic Act 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act), RA 11469 (Bayanihan Act I), at RA 6713 (Code of Conduct of Government Officials and Employees), kaugnay pa rin sa anomalya sa SAP.

Share:

8 comments:

  1. Bakit suspendido lamang,corruption ang pinauusap dapat ang nararapat tanggalin ng pirmanente maawa kayo sa sambayanang pilipino maibabalik ba ang perang nawala at maipamamahagi sa karapatdapat?

    ReplyDelete
    Replies
    1. dapat tanggalin na ang kurapsyon na kapitan

      Delete
  2. ano ano po kaya barangay ang kinasuhan? pwede po ba malaman namin mga netizens regarding this? thank you po

    ReplyDelete
  3. ano ano po kaya barangay ang kinasuhan? pwede po ba malaman namin mga netizens regarding this? thank you po

    ReplyDelete
  4. ano ano po kaya barangay ang kinasuhan? pwede po ba malaman namin mga netizens regarding this? thank you po

    ReplyDelete
  5. kung totoo man ito inilabas sana ninyo ang mga pangalan ng mga kapitan at ang mga barangays kung saan sila nadidistino para walang pagdududa na ang balitang ito ay totoo👍

    ReplyDelete
  6. tama po ang katanungan ng nakakarami at ganun din po ako na nagnanais malaman kong abo po mga pangalan ng mga kapitan O kapitanang naparusahan, at kung anong Barangay po ang kaniyang nasasakupan..

    ReplyDelete
  7. kasama ba yung (kupitan)kapitan namin

    ReplyDelete

Popular Posts

Blog Archive