Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

9-anyos na bata, nagtitinda ng basahan para makabili ng tablet pang-online class


 

Sa murang edad, matiyagang kumakayod ang 9-anyos na batang lalaki sa Quezon City sa pamamagitan ng paghahabi at pagtitinda ng basahan makaipon lamang ng pambili ng gadget para sa nalalapit na online class sa Oktubre.


Pitong taong gulang pa lamang ang batang si Gilbert “Eboy” Bandillo ay marunong na itong gumawa ng basahan matapos itong turuan ng kaniyang lola.


Nasa P25 ang halaga ng plain color at small-sized na basahan, P45 sa medium-sized at P35 naman para sa multicolored.


Kwento ni Eboy, masaya siya sa kaniyang pinagkakaabalahang hanapbuhay at natutuwa rin siya na nakakatulong siya sa kaniyang lola upang suportahan ang kanilang pamilya.


Dahil sa kaniyang dedikasyon sa murang edad, marami ang nais na tumulong sa kaniya upang makabili siya ng tablet i cellphone sa kaniyang online class.

Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive