Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

91k senior citizen, maaaring 'di makatanggap ng pensyon dahil sa kulang na pondo: DSWD


Malungkot na ibinahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) noong Miyerkules (Septyembre 17), na nasa 91,000 waitlisted senior citizen ang maaaring hindi makatanggap ng pensyon sa taong 2021 dahil sa limitadong budget ng ahensiya.


Ayon kay Assistant Secretary Glenda Relova, unang humiling ang ahensya ng mahigit P24 billion para sa programa na layong magbigay ng pensyon sa 3.7 milyong senior citizen.

Sa kasamaang palad, tanging P23.187 billion lamang ang inaprubahan ng Department of Budget and Management.

“Ang epekto nito na hindi pagkakabigay ng budget na ito is, mayroon tayong mga waitlisted na around 91,000 senior citizens na naghihintay na mabigyan ng grant, so kung hindi maibibigay sa amin itong, hindi namin sila maisasali para sa 2021,” saad ni Relova.

Samantala, tanong naman ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate sa DSWD, bakit kailangan pang mailagay sa waitlist ang mga senior citizen para lang makakuha ng pensyon ganoong marami namang pondo na maaaring i-re-align upang mapakinabangan ng mga nakatatanda.

Share:

1 comment:

  1. Wala ngang natanggap ang mother ko senior siya namatay ng 96 yrs old papano masasabi ng dswd yan samantalang di naman kami rin nakakatanggap sa kanila kahit wala pang sap buti nha nagka sap salamat po eh yong sinasabi ng sc na dapat lahat ng senior makakatanggap ng 500 kada buwan waley

    ReplyDelete

Popular Posts

Blog Archive