Bagong silang na sanggol, iniwan sa bakuran sa Parañaque
Sa isang subdibisyon sa Parañaque City ang natagpuang isang sanggol na babae ang inabandona sa gilid ng halamanan ng isang bahay.
Ayon kay JP Soriano sa GMA News “24 Oras” nitong Huwebes, sinabi ng lalaking nakakita sa sanggol na naglalakad siya nang mapansin niyang may gumagalaw sa gilid ng halamanan.
“Nakabalot ng jacket tapos naka-ano lang ‘yung ulo niya. May ano pa ‘yun, may pusod pa dito ‘yung bata. Gaganon-ganon na lang siya, siguro sa ano ng bata. Hindi na siya umiiyak eh,” Ayon sa naka kita sa sanggol.
“Nakakaawa ‘yung bata diba. ‘Yung relief ko is nahanap siya, you know, it’s very unfortunate nga na nangyari at the same time, I’m happy too na safe hands ‘yung person na nakakita. Kasi maraming mga aso dito or, you know, baka kung hindi niya nakita ‘yan baka umulan bigla,” sabi ni Chris Pedayo ang kasamang employer ng nakakita.
Matapos kinuha ang sanggol nang dumating barangay ambulance, at nakipag-ugnayan sila sa City Department of Social Welfare and Development.
Sa spot report ng subdivision security, isang babae ang napansin na dumaan dakong 8 a.m. malapit sa lugar pero hindi tiyak kung siya ang nag-iwan ng sanggol.
No comments:
Post a Comment