Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Co-founder ng Duty Free, natupad na ang misyong makapamahagi ng $8-B


Matapos ang apat na dekada, natapos na rin sa wakas ang misyon ng bilyonaryong co-founder na si Charles ‘Chuck’ Feeney na makapagpamahagi ng kaniyang kayamanan at magkaroon ng simpleng pamumuhay.


Sa ilalim ng prinsipyong  ‘Giving While Living’, ipinangako ni Feeney na uubusin niya ang kaniyang yaman bago siya pumanaw sa pamamagitan ng pagbibigay ng donasyon sa mga charity sa iba't-ibang panig ng mundo.


Karamihan sa kaniyang salapi ay naipamahagi niya sa isang charitable institution sa Ireland kung saan siya isinilang.


Ayon sa Forbes, nakapagbigay si Feeney ng $3.7 billion sa edukasyon, kasama ang halos $1-B sa kaniyang alma mater, Cornell, mahigit $870 million sa  human rights at social change, $700 million para sa kalusugan kabilang na ang $270 million grant para sa ikakaayos ng public healthcare system sa Vietnam at $176 million sa Global Brain Health Institute.


At nito lamang Septyembre 14, ibinigay na ni Feeney ang kaniyang kahuli-hulihang tseke. Sumatotal, umabot sa $8 bilyong ang naipamudbod ni Feeney sa mga nangangailangan. 

Share:

1 comment:

Popular Posts

Blog Archive