Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

College student na dumalo sa face to face class sa Isabela, nagpositibo sa COVID-19


Nagposotibo sa COVID-19 ang isang estudyante mula sa isang pribadong paaralan pagkatapos pumasok sa isang face to face class sa Cauayan City sa Isabela.


Kasukukuyang isinasagawa ng City Health Office ng Cauayan ang malawakang contact tracing.

Nagpositibo ang estudyante matapos makasalamuha ang isang positive na pasyente na isang empleyado ng city hall.

“Mayroon po kaming currently iniimbestigahan together with CHED dahil apparently nagkaroon ng face-to-face but it was not a normal school time, parang Sunday yata ginawa ‘yon so ito’y parang remedial class,” ayin kay  Mayor Bernard Fauatino Dy sa isang panayam sa dzBB.

Hindi pinahihintulutan ng Comission on Higher Education (CHED) ang face-to-face class ngayon kaya under investigation na ito at maaaring marevoke ang lisensya ng naturang pribadong eskwelahan.

33 katao ang sumailalim sa COVID-19 swab testing na close contact ng estudyante.
Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive