COVID-19 patient, tinangka umanong sunugin ang isolation facility sa Pangasinan
Isang 85-anyos na pasyenteng positibo sa COVID-19 ang nag sunog sa lamesa sa loob ng isang kuwarto ng isolation facility sa San Manuel, Pangasinan dahil hindi raw ito pinayagan na makalabas.
Ayon sa GMA Regional TV "Balitang Amianan" nitong Miyerkules, sinabing unang tumakas ang pasyente sa isang ospital at nakitang pakalat-kalat sa harapan ng munisipyo.
Kaya naman kumilos ang mga awtoridad na kunin ang pasyente na asymptomatic at dinala sa naturang isolation facility sa Barangay Guiset Sur.
Paliwanag ng pasyente na nagmula ang sunog sa isang nakasinding katol, naagapan naman ang sunog kaya naisalba ang buong pasilidad.
Ayon sa pulisya, mangangalap sila ng testimonya sa mga saksi kung nararapat na sampahan ng kaso ang pasyente.
No comments:
Post a Comment