Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Ex-PhilHealth official, ibinunyag ang mala-sindikatong pagbulsa sa premium ng OFWs


Hindi bababa sa 40 indibidwal mula sa Philippine Health Insurance Corporation ang sangkot sa mala-sindikatong korapsyon sa premium contribution ng mga overseas Filipino worker, pagsisiwalat ng isang dating opisyal ng ahensya.


Ayon kay Ken Sarmiento, dating senior auditing specialist ng PhilHealth, ang kontribusyon ng mahigit 7,000 OFWs ay napunta lamang sa bulsa ng mga buwaya ng PhilHealth.

"We learned that 7,257 OFWs hindi napaghulugan ng premiums... Hindi po natanggap ng PhilHealth 'yung premiums nila," saad ni Sarmiento sa isang Joint inquiry of House committees on Public Accounts at Good Government and Public Accountability.

Dagdag niya, napag-alaman niya na mayroong dalawang modus ang 40 indibidwal upang makapangurakot. Ito ay ang retail fraud at wholesale.

Sa retail fraud ay binibigyan ng mga pekeng resibo ang mga nagbabayad na OFW habang mga recruitment agency naman ang kasabwat sa wholesale scheme.

"After 3 to 4 years po of fact-finding, walang report sa Ad Hoc Committee, walang napakulong o na-apprehend, walang action sa 16 affidavit complaints. Ang nagawa lang nilang akysyon ay na-persecute 'yung dalawa. Natanggal po ako at ang boss ko sa aming posisyon," sabi ni Sarmiento ng ilahad ang kaniyang kinahantungan matapos punain ang nagaganap na korapsyon.
Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive