Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Ginang, pinagmumulta ng P1,000 dahil naglalaba ng walang facemask sa bakuran


Masama ang loob ng isang ginang sa Parañaque City dahil gusto itong pagmultahin ng isang libong piso matapos mahuling walang suot na facemask habang naglalaba kahit pa siya ay nasa bakuran lamang umano ng kanilang bahay.


Sa isang video, makikitang nakikipagtalo si Dina Mapayo sa mga opisyal ng barangay na nais magdala sa kaniya sa kanilang tanggapan para sa imbestigasyon.


Pilit na tumatanggi sa imbitasyon ng barangay si Mapayo. Ayaw rin nitong magmulta ng isang libong piso lalo pa at mabigat ito para sa kaniyang bulsa.


Paliwanag ni Mapayo, maliit lamang ang kanilang tahanan kung kaya sa labas ito naglalaba. Paniniwala niya, hindi naman kinakailangang magsuot ng facemask lalo pa at nasa bakuran lamang siya ng kanilang bahay.


Samantala, giit ng barangay ang lugar na pinaglalabahan ni Mapayo ay isang public area kung kaya kinakailangan pa ring magsuot ng facemask.

Kasalukuyan pang iniimbestigahan ngayon ng munisipalidad ng Parañaque ang naging pangyayari para sa karampatang aksyon.

Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive