Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Hiring: DepEd TV nangangailangan pa ng 200 teacher-broadcasters


Nasa 200 pang teacher-broadcaster ang kinakailangan ng Department of Education para sa educational program nito na layong maghatid ng mga aralin sa pamamagitan ng telebisyon.


Ayon kay Education Undersecretary Alain Pascua, kakaunti lamang ang bilang ng mga pumapasa sa application dahil sa mahigpit na pagsasanay at at workshop.

Sa katunayan, nasa 100 guro lamang ang napili at kasalukuyang nagshu-shoot ng mga episode mula sa mahigit 3,000 nag-apply.

Layon pa naman din ng DepEd na makapag-produce ng 130 hanggang 200 episodes kada linggo o hanggang limang episode kada guro.

Kamakailan lamang ay umani ng samu't-saring batikong ang DepEd TV matapos magpalabas ng mga maling lesson sa test run nito.
Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive