Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Isuko natin ang buong sarili sa Panginoon


Kung meron kang minamahal, ibibigay mo ang lahat para sa kaniya, isusuko mo sa kaniya ang lahat pati na ang iyong tiwala at pagmamahal.


Ito ang tema na ating mababasa sa Mabuting Balita (Matt. 16: 21-27) patungkol sa paanyaya ni Pangulong Jesus na kung sinoman ang may nais na sumunod sa Kaniya, kailangan niyang kalimutan ang kaniyang sarili at pasanin ang kaniyang krus.

Ibibigay niya ang kaniyang sarili sa Diyos nang may buong pagtitiwala sapagkat hindi tayo maaaring sumunod kay Kristo kung ang buhay pa rin natin ay luma at makasalanan.

Bukod sa pagsuko ng ating sarili sa Panginoong Jesus, inimbitahan din Niya tayo na pasanin ang ating krus. Ang krus ay mayroong dalawang bahagi isang pataas o patayo at isang pahalang.

Alalahanin natin na si Jesus ay nagpasan din ng kaniyang sariling krus. Ito ay ang krus ng pagmamahal niya sa Kaniyang Diyos Ama at sa mga taong pinagaling at tinuturuan niya noong siya ay nandito pa sa ibabaw ng lupa.
Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive