Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Lahat ng pagsubok sa ating buhay ay lilipas din tulad ng unos


Nakaranas din ako ng mga mabibigat na pagsubok sa buhay pero hindi ito naging dahilan upang mawala ang pananalig ko sa Diyos sa halip ay sinikap kong maging matatag at magpatuloy sa aking tungkulin.


Hindi ko tinalikuran ang paglilingkod sa ating Panginoon at pagsisilbi sa Kaniyang Simbahan dahil lagi kong isinasapuso na walang ibang makatutulong sa akin kundi ang Diyos lamang. 

Madalas kong inuusal sa aking sarili ang mga salitang ito upang lalo pa akong maging matatag, sa harap ng mga hamon ng buhay: “Panginoon, kung ang mga pagsubok na ito ang lalong maglalapit sa akin sa'yo, ipinapaubaya ko na Sa'yo ang mga pagsubok na ito. Kung ang mga paghihirap kong ito ang magpapatatag ng aking pananampalataya, Ikaw na po ang bahala.”

Ang mga problema na ating pinagdadaanan ay isang pagsubok lamang para lalo pang pagtibayin ang ating pananampalataya pero ang mga problemang iyan ay hindi magtatagal parang mga unos o bagyo na dumadaan lang at pagkatapos ay masisilayan na natin ang liwanag.

Alalahanin din natin ang nangyari noong naglalayag sa karagatan sakay ng bangka si Hesus kasama ang Kaniyang mga Alagad. Biglang dumating ang isang malakas na unos at hinagupit nito ang bangka, Nataranta ang mga Alagad at ginising nila ang nagpapahingang si Hesus.
Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive