Lalaki na gumuguhit ng larawan sa dahon, kinabibiliban online
Sa umpisa ay isang libangan para sa bata na si Jay Sucal tubong Mindanao na gumagawa ng larawan sa dahon dahil inabutan ito ng lockdown sa bundok naisipan nitong gumihit ng larawan sa mismong dahon atsaka niya ito pinopost sa social media.
“Napag isipan ko lang kasi mahirap po makabili ng mga gamit pang drawing, gusto ko din po mag drawing kaso wala pong perang pambili kung baga gumawa lang po ako ng paraan kaya napag isipan ko pong gawin sa dahon” ani ni Jay sa isang interview.
Mga gamit niya ang cutter sa pag guhit at ang mga dahon ng langka at cacao ang nag sisilbing canvas ni Jay sa paglikha ng iba’t ibang larawan, hindi niya inakala na maraming magkakagusto sa kanyang likha
Mula sa ilang araw umano nitong pagsisimula ng kanyang obra maestrang art sa dahon kumikita na si Jay mula 200 hanggang limang libong piso kada ikatlong araw sa dami ng mga costumer na gusting mag paukit.
Maliban sa mga mukha ng mga costumer nakaikit nadin ng mga larawan ng mga kilaalng tao at celebrities lalo na ang kanyang mga hinahangaang personalidad .
No comments:
Post a Comment