Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Maging handa sa pagdating ng Panginoon


Maging handa tayo sa anomang oras at araw dahil hindi natin alam kung kailan darating ang Panginoon.


Natatandaan ko noong ako ay nag-aaral pa sa high school kung kailan malapit na ang examination ay doon pa lamang ako nagmamadaling mag-aral, siguro normal na talaga sa aming mga estudyante ang maghabol kapag last minute.

Inihalintulad ni Hesus ang pagdating ng Panginoon sa hindi tiyak na pagsalakay ng isang magnanakaw sapagkat kung alam ng may-ari ng bahay kung kailan sasalakay ang kawatan ay mapaghahandaan niya ito.

Sino ba sa atin ang nakatitiyak o nakababatid kung kailan darating ang kamatayan ng isang tao?  Pero ang tiyak, ang ating buhay ay hiniram lamang natin sa Diyos huwag din kalimutan ang sinasabing "Second Coming" o muling pagdating sa lupa ng Diyos.

Samantalang may mga tao naman na nagpapakaligaya ng lubos dahil naniniwala na ang buhay ay hindi pahabaan kung hindi pasarapan. Masyadong kampante at hindi siniseryoso ang pananampalataya sa Diyos.
Para sa kanila, mas mahalaga ang makalupang kaligayahan, mga kumikinang at mapang-akit na materyal.  Mas pinipili nilang magpakasasa at magpakaligayan sa ibabaw ng lupa kaysa sa buhay na walang hanggang na ipagkakaloob ng Diyos.


Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive