Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Mahigit 1,000 residente ng Marikina, magdamag na pumila para sa SAP


Hindi na alintana ang pagod at puyat ng ilang residente mula sa Marikina makita lang kung kasama  ba ang kanilang pangalan sa listahan ng mabibigyan ng ayuda mula sa Social Amelioration Program (SAP).


Bago malaman kung kabilang ba ang pangalan sa listahan ng SAP, kailangan munang magpakita ang bawat nakapila ng kanilang ID.

Sa isang video na ibinahagi ng Super Radyo dzBB, makikita ang sangkatutak na dami ng residente ng Maynila na nakapila sa isang bangko sa Pasig City.

Sa haba at dami ng nakapila, naging pahirapan na rin ang pagsunod sa social distancing.

Ayon sa Department of Social Welfare and Development, noong Setyembre 9, umabot sa P82.2 bilyon na ang naipamahagi sa 13,784,904 na pamilya sa ilalim ng ikalawang tranche ng Social Amelioration Program.
Share:

1 comment:

  1. Sana mabigyan na kami ng dswd senior kaming mag asawa me sakit na kami ,ako na stroke na Ang asawa halos di makalakad namamaga paa,,Wala kaming sss di din kami nabibigyan ng pension galing Kay president duterte,,,Sana mabigyan kami 2nd wave,,,salamat po"

    ReplyDelete

Popular Posts

Blog Archive