Kaya pinawi ng Panginoong Hesus ang mga pagdududa ni Tomas, nang muli siyang magpakita rito, ipinakita niya ang mga pilat o bakas ng kaniyang mga sugat. Kasunod ng mga salitang sinabi ni Hesus sa kaniya, "Huwag ka nang mag-alinlangan pa, sa halip ay maniwala ka."
Ilan kaya sa atin ang kagaya ni Tomas na mayroong pagdududa lalo na ngayong panahon ng pandemiya marahil dahil sa krisis na ating nararanasan, may ilan sa ating ang nagdududa at nawawalan na ng tiwala sa Diyos.
Sapagkat pagmulat pa lamang ng ating mga mata sa umaga at tayo ay nakakahinga pa, isa na itong pagpapatotoo na ang Diyos ay hindi isang kathang-isip lamang bagkos ay totoong umaalalay sa atin sa kabila ng mga pagsubok na ating nararanasan.
Kung dumaranas man tayo ng matinding pagsubok dahil sa COVID-19, hindi ito nangangahulugan na tinatalikuran na tayo ng Panginoon, Ang totoo walang dahilan para magpakita pa siya ng ebidensiya para lamang patunayan na siya, dahil ang mismong mga buhay natin dito sa ibabaw ng mundo ay isa nang matibay na ebidensiya ng kaniyang wagas at nag-uumapaw na pag-ibig sa atin.
Tanging Diyos lamang ang nakakaalam kung bakit tayo kasalukuyang dumaranas ng mga pagsubok. Subalit sa kabila nito, hindi ito dapat ang maging dahilan para masira ang ating tiwala at pananampalataya sa Kaniya.
Pinaalalahanan tayo ng Ebanghelyo na kailangang ipakita natin sa Panginoon ang ating buong pagtitiwala at pananampalataya sa Kaniya sa kabila ng mga nararanasan nating krisis sa buhay. Amen
No comments:
Post a Comment