Mahilig akong manood ng mga pelikulang Pilipino, kabilang na ang mga superheroes at drama na sa umpisa ay inaapi at inaalipusta ang bidang mahirap.
Ngunit kinalaunan sa pelikula kung anumang dahilan ay may tutulong sa bida para makabawi siya at aasenso sa buhay, hanggang sa ang dating inaapi ay magtatagumpay sa kaniyang laban sa buhay.
Ngunit kinalaunan sa pelikula kung anumang dahilan ay may tutulong sa bida para makabawi siya at aasenso sa buhay, hanggang sa ang dating inaapi ay magtatagumpay sa kaniyang laban sa buhay.
Sa Mabuting Balita (Luke. 6:20-26), ito ay patungkol din sa mga taong nasa ibaba ang mga maralitang napapabayaan, mga taong nagugutom at walang ibang makapitan kung hindi ang pananalig sa Panginoong Diyos.
Hindi ganito ang mensaheng nais iparating ni Jesus nang ipahayag niya sa kaniyang mga Disipulo na, "Mapalad kayong mga mahihirap dahil para sa inyo ang Kaharian ng Diyos."
Ang hindi nila alam, may mga mayayaman din ang naiinggit sa mga mahihirap at nasasabi nila sa kanilang sarili na: "Mabuti pa ang mga mahihirap, buo at masaya ang kanilang pamilya. Sama-samang silang kumakain kahit sardinas lang ang kanilang ulam."
Kaya nakatitiyak tayong hinding-hindi pababayaan ng Panginoon ang mga taong nagsisikap mamuhay nang naaayon sa kalooban ng Diyos sa kabila ng kanilang kahirapan ay nagtitiyaga silang namuhay nang parehas sa halip na manlamang sa kanilang kapwa.
No comments:
Post a Comment