Mga magnanakaw ng bisikleta nagkalat sa gitna ng pandemya
Mainit ngayon sa mata ng mga kawatan ang mga bisikleta na nakasanayan ng gamitin mula noong maantala ang mga transportasyon dulot ng community quarantine sa bansa.
Sa Maynila, dalawang insidente na ng pagnanakaw ng bisikleta ang nahuli sa isang CCTV footage.
Sa isang CCTV footage na ini-upload ni Roselle Abajo sa social media, makikita ang kaniyang anak na ikinakandado ang kaniyang bisikleta sa railing bago pumasok sa isang restawran.
Nang makaalis ang biktima, agad namang sumulpot ang isang nakasumbrerong lalaki at saka tinangay ang bisikleta matapos kalasin ang lock nang ilang segundo.
Noon naman Septyembre 1, 3 ang lalaking nahuli sa CCTV footage na nagsibat sa bisikleta ng isang residente Barangay 801 sa Maynila.
Payo ng Manila Police District, upang maiwasan ang parehong insidente, dapat na bumili ng magandang kandado at saka ibilin sa guwardiya ang bisikleta kung iiwan ito sa mga parking area ng mag establisyemento.
No comments:
Post a Comment