Mga susô, ginagamit pampaganda ng mukha ng isang salon
Pagpapagapang ng mga dambuhalang susô sa mukha ang paraan ng pagbibigay ng facial treatment sa mga kliyente ng isang salon sa Jordan.
Ayon sa ulat ng Reuters, Giant African Land snails daw ang ginagamit ni Suheil Sweidan upang pakinisin at pasiglahin ang kutis ng kaniyang mga kliyente.
Natural daw na naglalabas ng "slime" o malapot na tila laway ang mga susông na nagdudulot ng magandang epekto sa balat ng tao lalo pa at kinakain umano nito ang dead skin na problema na marami.
"This snail produces collagen, it promotes this substance. As it walks across the face, it eats up the dead skin, opens up your pores, and leaves the collagen in there. It replenishes the collagen in your body," sabi ni Sweidan.
Paliwanag pa niya, dapat na maging bukas ang mga tao sa mga alternatibong paraan na makukuha sa kalikasan na maaaring magsilbing pampaganda.
Ayon naman kay Alia Fares, isang social freelancer na sumubok sa kakaibang beauty treatment, maganda ang kaniyang naging karanasan rito at nakita niya rin agad ang magandang epekto nito sa kaniyang mukha.
"It's great, so I thought I'd give it a try. The first session I had I wanted to stop and leave, but then I kept going and fell asleep during the session because it was so relaxing. I saw a difference in my face, it feels fuller and has a glow," sabi ni Fares.
No comments:
Post a Comment