Tumataginting na dalawang milyong piso ang isinauli ng isang driver sa Sogod, Southern Leyte matapos itong maiwan ng may-ari sa kaniyang motor cab.
Kinilala ang tapat na driver bilang si Dennis Geverola. Ayon sa kaniya, nagulat siya nang makita ang malaking halaga ng pera sa kaniyang minamanehong sasakyan.
Naiwan ng isang foreigner ang kaniyang bag sa motor cab ni Dennis laman ang P2 milyong at iba pang mahahalagang dokumento.
Hindi raw nagdalawang isip si Dennis na ibalik sa may-ari ang bag kaya naman pumunta ito sa kinauukulan upang mag-surrender.
Buong puso namang ipinagmamalaki ng munisipalidad ng Sogoc ang ipinamalas na katapatan ni Dennis.
"On behalf of the Municipality of Sogod, I would like to comment the motorcab driver, Mr. Dennis Geverola for returning the bag that was left in his vehicle. The bag contained 2 million pesos in cash and other important documents. May God bless you!" saad ni Municipal Mayor Imelda Tan sa kaniyang Facebook post.
Kuya saludo ako sau kc bihira na Ang katulad mo ngaun na tao sana tularan ka ng iba pa
ReplyDeletenapakabuti mo dios na bahala mag reward sa yo.ang asawa ko ganyan din nong nagwowork pa sa airport.lahat ng napupuloy nya bag pera isinasauli nya sa may ari.kaya naman may mga honesty award cya.
ReplyDeleteGod bless you sir, your only one in a million people. Sanay maraming biyayang darating sayo...
ReplyDelete