Pres. Duterte, 'hindi interesadong' i-extend ang termino, ayon kay Roque
Hindi umano interesado si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpapalawig ng kaniyang termino, ayon sa Malacañang nitong Lunes (Septyembre 28), matapos lumabas ang mungkahing nais magpaliban sa 2022 elections dahil sa banta ng COVID-19 virus.
Giit ni Presidential spokesperson Harry Roque, ang ideya ni Pampanga Rep. Mikey Arroyo's na ipagpaliban ang susunod na eleksyon ay hindi magiging opsyon ng Palasyo dahil sa 1987 constitution.
"The President is not interested in extending his term. And he leaves it to the Filipino people, the sovereign people, to decide if they want to amend the Constitution to postpone the elections," saad ni Roque sa isang press briefing.
"It can never be an option for Malacañang, unless the Constitution is amended," dagdag pa nito.
Sa ilalim ng 1987 Philippine charter, nakasaad na dapat maganap ang presidential at vice presidential elections sa tuwing ikalawang Lunes ng Mayo kada anim na taon.
Pangulong duterte hanggang ngaun po wla p din kaming ntatanggap na ayuda galing s dswd. Yung 2nd tranche nmin nabulsa na ata. Pki bigyan ng action. Delapaz binan laguna. Buti pa mga sawi katakot takot na 13k. Natnggap samantalang ang 6500. Di maibigay
ReplyDelete