Marami ang humahanga ngayon sa isang Grade 12 student na gumawa ng sariling bisikleta gamit lamang ang pinagdugtong-dugtong na kahoy at scrap materials.
Kwento ni Jayvid Tuguinay na taga Sta. Maria, Pangasinan, matagal niya ng gustong magkaroon ng bisikleta ngunit dahil sa kakulangan sa pera ay hindi siya makabili nito.
"Hindi po kasi ako makapag-ipon-ipon, makabili ng bike gawa po ng lockdown kaya naisipan ko na lang po na gumawa. And na-inspire po ako sa nakita ko sa Facebook na gumawa rin po ng bike na kahoy,” sabi ni Jayvid.
Isang linggo ang ginugol ng estudyante para mabuo ang kaniyang bisikleta na gawa sa kahoy at scrap materials na mula pa sa mga junkshop.
Bukod sa bike, mahilig din gumawa si Jayvid ng mga laruang sasakyan na gawa rin sa kahoy mula pa noong siya ay bata.
No comments:
Post a Comment