Simbahan, hinihikayat ang mga Katoliko na magdasal ng 10 'Hail Mary' araw-araw
Hinihikayat ngayon ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang mga Katolikong paaralan, seminaryo, simbahan, at komunidad na maglaan ng 10 Hail Mary prayer araw-araw para sa katapusan ng COVID-19 pandemic.
Ayon sa CBCP, dapat na idalangin ang naturang Marian prayer sa ganap na alas dose ng tanghali saan mang lugar naroroon ang mga nais makibahagi.
“We invite all to a collective prayer action to lift the lockdowns and help heal the nation. God always listens and nothing is impossible with Him,” pahayag ng CBCP.
Ipinakiusap din nito sa mga Katolikong unibersidad at paaralan na ibahagi sa publiko ang ano mang siyentipikong pag-aaral tungkol sa COVID-19.
Ang nationwide prayer ay mag-uumpisa sa Agosto 15 at magtatapos sa Septyembre 15, pista ng Ina ng Pitong Hapis o Our Lady of Sorrows.
No comments:
Post a Comment