Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Sino nga ba si Jesus para sa atin?


 

Naalala ko noong mga panahong hindi pa ako nagsisilbi sa ating Panginoon madalas ko siyang sinisisi kapag may mga problemang dumarating sa aking buhay.


Ito ay sa kadahilanang mababaw lamang kasi ang pagkakakilala at ugnayan ko sa ating Diyos, Sinisipag lamang akong magsimba kapag may gusto akong hilingin sa kaniya.


Sa Mabuting Balita na (Luke 9:18-22) mababasa natin na tinanong ni Jesus ang kaniyang mga Disipulo: "Anong sinasabi ng mga tao tungkol sa akin? Sino daw ako?".


May iba na nagsabing siya si Juan Bautista. Yung iba naman, siya si Elijah at yung iba ay Propeta daw siya noong unang panahon. Pero para sa kaniyang mga Disipulo, siya ang Kristo na isinugo ng Diyos.


Kapag tayo naman ang tinanong halimabawa, Sino si Jesus para sa atin? Ano ang ating magiging sagot?


Aminin man natin o hindi, may ilan sa atin ang hindi nakakakilala sa Diyos at hindi malalim ang kanilang ugnayan sa Panginoon Kaya kapag dumating ang mga pagsubok sa buhay tulad ko noon, madaling tumatamlay ang kaniyang pananampalataya.


Ang taong may malalim na pananampalataya at lubos na nakakakilala sa ating Panginoon ay tulad ng isang taong nagtayo ng kaniyang bahay sa  ibabaw ng bato. Dumaan ang bagyo, hindi natitinag ang bahay na ito dahil matibay ang pinagkakatirikan, Si Jesus ang batong pinagtayuan ng bahay.


Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive