Sa kabila ng mas pinahirap na buhay bunsod ng pandemya, hindi pa rin nagpatinag sa silaw ng pera si Alice Baguitan, isang tindera ng gulay sa Laoag, Ilocos Norte matapos makapulot ng bag na may lamang P2.7 million.
Lahad ni Baguitan, kumakain siya sa isang fast food chain nang biglang tumabi sa kaniya ang isang babae na may bitbit na bag.
Makalipas ang ilang sandali, nagmamadaling umalis ang babae kung kaya marahil nawala na rin sa isip nito ang daladala niyang bag.
Nagulat si Baguitan sa halaga ng pera na tumambad sa kaniya nang buksan ang bag ngunit hindi siya nagdalawang isip na ibalik ito sa may-ari.
Mabuti na lamang at narinig niya na patungong bus terminal ang babaeng nagmamay-ari ng bag kung kaya agad niya itong hinabol.
Sinalubong naman siya ng yakap ng babae at malugod na binibigyan pabuya na siya namang tinanggihan ng tindera.
Pambihira na ang ganiyang tao nagsoli na hindi pa tumanggap ng pabuya eh ang hirap ng buhay ngayon. God bless you po.
ReplyDeletewow! hangang hanga ako
ReplyDeleteBka d nya alam ang laman
ReplyDelete