Anak ng mangingisda, bumili ng laptop online ngunit bato ang natanggap
Labis ang panghihinayang ng college student na si Arthur Baylon dahil mga bato ang kaniyang natanggap matapos bumili ng laptop online sa halagang P24,000.
Kwento ng third-year BS Hospitality Management student, pinag-ipunan niya pa naman din ang perang ipinambayad niya sa laptop sa pamamagitan ng pagtulong sa pangingisda sa kaniyang ama magbuhat noong mag-lock down.
Aniya, nang makita niya pa lamang ang mousepad mula sa kahon ng laptop labis na ang kaniyang tuwa ngunit hindi niya inaasahan na ang bubungad pala sa kaniya pagkatapos ay tatlong bato.
“Binuksan ko ito sa karton niya, tumambad sa’kin una ‘yung mousepad. No’ng tumambad sa’kin ‘yung mousepad e di masaya naman ako, wala naman akong ano. Pero ‘yung in-open ko na talaga ‘yung box ng laptop na black, pagbukas ko pa lang ng karton ng charger, wala na siyang lamang charger,” sabi ni Arthur.
Payo ng e-commerce expert na si Abbie Victorio, dapat na maging mapagmatyag ang mga nais bumili ng online. Siguraduhin din kunan ng larawan ang magde-deliver sa package para sa sariling proteksyon.
Diba bago umalis ang nagdeliver icheck mo sa harapan kasi pedeng may damage o baka nga iba ang mareceive mo tulad niyan hinde sa wala kang tiwala sa nag deliver pero we need to be secured. Ngayon sino ang mananagot niyan?
ReplyDelete