Ipinag-utos na ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa pulisya, mga tauhan ng barangay, at Department of Social Welfare and Development (DSWD) na mas paigtingan na ang pagbabawas sa mga taong palaboy-laboy sa kalsada.
Ayon kay DILG Undersecretary Martin Diño noong Linggo, dapat lang na hulihin ang mga pulubi sa kalsada dahil sa posibilidad na sila pa mismo ang nagkakalat ng virus na nagdudulot ng COVID-19.
"Batas ay batas. Dapat iyan hinuhuli ng mga pulis, dapat dinadala sa DSWD kasi baka hindi mo alam, baka ito na ’yung nagkakalat ng pandemya dahil unang-una, exposed ito," sabi ni Diño.
"Hindi porke mahirap ka, ikaw ay may lisensiya na kumatok at um-ano sa lahat ng mga ano," dagdag niya.
Paliwanag ni Diño, ang mga mahuhuli ng pulis at opisyal ng baranggay ay ipapasa sa DSWD na siyang may siya namang obligadong mangalaga sa kanila.
P update naman ng 2nd wave ... Rogelio m. Corsino jr
ReplyDelete