Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

DepEd, nagpapaalala na huwag tambakan ng gawain ang mga estudyante


Huwag tambakan ng gawain ang mga estudyante ang paalala ng Department of Education (DepEd) sa mga guro ngayong "blended learning" ang paraan ng pagtuturo bunsod ng pandemya.


Ayon kay DepEd Undersecretary Diosdado San Antonio nitong Lunes (Oktubre 13), nauunawaan daw niya ang sitwasyon ng mga estudyante sa bagong pamamaraan ng pagtuturo kung kaya nararapat na tantsahin lamang ang pagbibigay ng gawain.


“Nauunawaan po natin ‘yan [sobrang aralin]. Magre-remind po tayo officially na kailangan yatang mag-synchronize. Meron na po kaming suggestion sa kapag homework na hindi sabay-sabay na mayroon,” saad ni San Antonio.


“Tantsahin lang,” dagdag niya.


Nararapat din daw na bigyan ng makatarungan na deadline ang mga mag-aaral nang sa gayon ay magkaroon sila ng sapat na oras upang gawin at tapusin ang kanilang mga gawain.


Nito lamang Oktubre 5 nagbukas ang klase sa mga pampublikong paaralan. Kabilang sa mga pamamaraan ng pagtuturo ay ang paggamit ng broadcast media, online at self-learning modules.

Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive