Magbuhat noong magsimula ang klase noong Oktubre 5, hindi maikakaila ang hirap na dinaranas ngayon hindi lamang ng mga estudyante kung hindi pati ng mga magulang.
Kaya naman, sa pamamagitan ng isang facebook post ay sumulat ang inang si Teejay Marquez Jimenez upang makapaglabas ng saloobin sa Kagawaran ng Edukasyon.
Sa open letter ni Jimenez, sinabi niya na nagpapasalamat siya sa Department of Education (DepEd) dahil sa kanilang pagsusumikap upang makahanap ng paraan para maipagpatuloy ang pag-aaral ng mga estudyante.
Subalit sa pagpapatuloy ng kaniyang post, aniya makalipas lamang ang isang linggo ay naramdaman na niya kung gaano kahirap ang kanilang sitwasyon.
Kaya naman, dulog niya sa DepEd sana ay bawasan nito ang mga ibinibigay na aralin sa mga estudyante at bigyan sila ng sapat na panahon upang matapos ang lahat ng gawain.
"Amin lang po sanang hiling ay bawasan ang napakaraming "learning task" na kailangang sagutan ng mga bata at hapitin ang isang linggong deadline," saad ni Jimenez.
Wala pang tugon ang DepEd dito, ngunit sa kasalukuyan umabot na sa 19k reactions at 27k shares ang post ni Jimenez.
No comments:
Post a Comment