Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

MECO nagbigay ng paunawa sa mga OFWs ukol sa illegal fees hatid ng direct hiring sa Taiwan


Nagbigay ng paunawa ang Manila Economic & Cultural Office (MECO), POLO at OWWA sa Kaohsiung ukol sa mga illegal fees na sinisingil sa mga overseas Filipino workers (OFW) sa Taiwan na nais magtransfer sa ibang kumpanya.


Malaking halaga ang hinihingi ng mga ito para maisali sa 'interview list' pero walang kasiguraduhan kung ikaw ay mapipili. Ang warning ay para sa mga OFW sa southern Taiwan pero applicable na rin sa lahat ng OFW.

Basahin:

PAUNAWA SA MGA OFWs sa SOUTHERN TAIWAN 

Marami ang mga kompanya na tumatanggap ng "transferees" ngayon. Mayroong mga anunsyo mula sa mga manpower agencies tungkol dito. 

May mga sumbong na nakarating sa POLO-OWWA sa Kaohsiung na may mga taong nag-aalok sa mga OFWs upang "makapag-apply" o makasama sa listahan ng "for interview" para maka-transfer. Sila ay nanghihingi ng malaking halaga bilang kabayaran daw sa agency o broker. Ang iba ay inaalok pa ng pautang upang makabayad agad. 

Maayos ang batas at sistema ng Taiwan para sa pag-lipat ng mga Foreign Workers sa ibang employer. Walang bayad sa mga agencies para makapag-apply o makasama sa mga recruitment interviews. 

Ang liham ay mula kay Labor Attaché Rustico SM. De La Fuente
Share:

1 comment:

  1. 15k ang bayad bago makalipat cmpre need ng trabaho kya no choice magbyad na lng

    ReplyDelete

Popular Posts

Blog Archive