Sa libo-libong overseas Filipino worker na umuwi ng Pilipinas, isa si Darwin Ramirez sa mga stranded ngayon sa mga quarantine facility dahil sa tagal ng resulta ng kanilang COVID-19 test result.
Sa ulat ng GMA News "Unang Balita" sinabi ni Ramirez na halos mawalan na sila ng pag-asa dahil wala man lamang silang makuhang sagot kung kailan ba lalabas ang resulta ng kanilang test.
Aniya, tinawagan na nila ang Bureau of Quarantine para alamin ang resulta ng kaniyang COVID-19 test pero hindi raw matukoy kung saan laboratoryo ito naipadala.
"We feel so helpless talaga. Wala kang matawagan, wala kang matanungan. May mapagtanungan ka man, wala naman maisagot," lahad ni Ramirez.
Ang BoQ ang naglalabas ng COVID-19 test result ng mga OFW na umuuwi ng bansa. Bago tuluyang makauwi ang mga OFW sa kanilang pamilya dapat na magnegatibo muna sila sa test.
No comments:
Post a Comment