Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Pinay domestic helper nilait ng kapwa OFW dahil walang mamahaling gamit


Sa social media na naglabas ng sama ng loob ang domestic helper na si Mhai Mansueto San Pedro matapos siyang maliitin ng kapwa niya overseas Filipino worker dahil wala itong mamahaling alahas na gawa sa ginto at maayos na cellphone.


Kwento ni Mhai, nasa mall siya nang sumali siya sa mga kadhama upang sana ay makipagkwentuhan. Paglapit daw niya ay pinansin siya ng isang babae at saka tinanong kung siya ba ay baguhan.

Inintriga rin daw siya ng kapwa OFW kung bakit wala siyang ginto at maayos na cellphone. Pinayuhan pa siya nito na bumili ng pansariling kagamitan upang hindi magmukhang kawawa.

"...pinansin ako ng isang babae tinignan nya ako mula ulo hanggang paa sabay sabi, 'ate bago kalang??? Sabi ko hindi pangalawang kontrata kona to kakabalik kolang. Sabi niya ay talaga? Bakit wala kang gold? (Sya kasi may mga gold) tapos cellphone mo bakit basag? Naka iphone kasi sya. Sabi ko d kasi ako maluho ok na sakin basta nagagamit sya. Dapat bumili kadin para sa sarili mo para dika mukhang kawawa," lahad ni Mhai sa kaniyang Facebook post.

Kakatapos lamang ng ikalawang kontrata ni Mhai. Ayon sa kaniya, sadyang hindi siya maluho ngunit nakapagpatayo na siya ng bahay sa Pilipinas, nakabili ng tricycle, at nakapagpatayo ng munting tindahan para sa kaniyang pamilya.
Share:

3 comments:

  1. ibang ofw kc mayyabang tlga,,pero tadtad nman ng utang..

    ReplyDelete
  2. kawawa naman c ate sana wag nalang xang nilait.kc hindi naman lahat ng taong nagwowrk sa abroad ay maluho.baka sadyang simpleng tao lang xa.

    ReplyDelete
  3. What do you expect sa asal ng karamihang khadama? Kaya nga ang sabi nila, wag kang makipag kaibigan sa kapwa pinoy pag nasa abroad ka lalo na pag kasambahay ka. Asal talangka kase.Natural sa karamihan sa knila ang mag astang mas nakakataas sa iba at Nakikipag contest sa mga lalaking naka relasyon nila sa mga kaibigan na akala mo mga single, at talagang proud pa ha..na experience ko rin ang ganyan nung nasa Kuwait ako..from that time on I kept my distance sa mga katulad kong Pinoy at naki pag kaibigan sa Sri Lankans at Africans instead.Not all naman ganito pero halos sa mga batch na nakilala ko ganito ang ugali.

    ReplyDelete

Popular Posts

Blog Archive