Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Pres. Duterte, nakakuha ng 91% approval rating sa gitna ng pandemya


Siyam sa bawat sampung Pilipino o 91% ang nag-aapruba sa pamamalakad ni Pangulong Rodrigo Duterte sa gitna ng COVID-19 pandemic, ayon sa survey result ng Pulse Asia na inilabas noong Lunes (Oktubre 5).


Sa Ulat ng Bayan Nationwide Survey na isinagawa noong Septyembre 14-20, sinabi ng Pulse Asia na 91% ng mga Pilipino ang sang-ayon sa pamamahala ng Pangulo, 5% naman ang hindi sang-ayon habang 5% rin ang "undecided."

Sa kabilang banda, nakakuha si Vice President Leni Robredo ng 57% approval rating, 22% disapproval, at 21% naman ang mga undecided.

Pagdating sa trust rating, nangunguna pa rin si Pres. Duterte matapos lumabas sa resulta ng survey na 91% ng mga Pilipino ang may "big trust" sa Chief Excutive.

Ang survey ay mayroong 1,200 na respondents edad 18 pataas.
Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive