Mga umuuwing overseas Filipinos ay sinisingil umano ng P20,000 para sa mas mabilis na COVID-19 test result ayon kay Senator Richard Gordon na chairman din ng Philippine Red Cross (PRC).
Non-government organization (NGO) ay nagtayo ng mga testing booths sa mga airport para sa testing mga mga overseas Filipino workers (OFW) at iba pang mga air passengers.
"Sa airport, wala kaming pwesto dun, hanggang four days ago naglagay na ako ng pwesto, nakiusap na ako dahil umaangal na lahat yung mga OFW at mga pasahero," ayon kay Gordon.
"Dinadala sila doon sa linya, [sinisingil] ng P10,000 kada test. Yung iba P7,000. Kung gusto mo mabilis, P10,000. Kung gusto mo pinakamabilis, P20,000," dagdag niya.
"Yan ang tinitingnan natin, talagang may nagsasamantala," ayon sa Sendor. "Gusto kong imbestigahan ito."
Naniniwala si Gordon na dinadala ang mga pasahero sa mga testing booths na ito para sa mataas na singil.
Kasalukuyang itinigil ng PRC ang COVID test dahil sa utang ng Philhealth na halos umabot na ng P1-Billion.
No comments:
Post a Comment