Naganap na ang "beatification" ng 15-anyos na si Carlo Acutis noong Sabado (Oktubre 10), sa Assisi Italy at ngayon ay tinatawag ng "blessed."
Isinagawa ang bitipikasyon sa Basilica of San Francesco sa pangunguna ni Cardinal Agostini Vallini.
Dumalo ang kaniyang mga magulang sa selebrasyon kasama ang mahigit 3,000 katao.
Nakatakda namang ganapin ang veneration sa Oktubre 17. Isang himala pa ang hinihintay upang tuluyang ng kilalanin bilang Santo ang binata.
Noong nabubuhay si Acutis, ginamit niya ang kaniyang computer skills upang magsaliksik ng Eucharistic miracles at upang ibahagi sa nakararami ang kaniyang mga natuklasan.
Noong 2013, napaulat na isang batang Brazilian ang himalanb gumaling mula sa congenital anatomic anomaly of the pancreas dahil umano kay Acutis.
No comments:
Post a Comment