Walang mapagsidlan ang saya ng mga magulang ng isang dalaga sa Laoag City, Ilocos Norte matapos makapagtapos ng kursong nursing at mag-rank 10 sa board exam.
Si Shannara Mica Guta Tamayao ay nakapagtapos ng kursong nursing sa Mariano State University sa Batac, Ilocos Norte sa tulong ng kaniyang mga magulang na isang empanada vendor at welder.
Kwento ni Tamayao, para bang nasuklian ang paghihirap ng kanilang pamilya matapos nilang mapag-alaman na isa siya sa mga topnotcher sa score na 84.60%.
Bilang isang panganay, nais niya raw tumulong sa kaniyang pamilya lalong-lalo na sa kaniyang mga magulang ngayong nakapagtapos na siya sa pag-aaral at nakapasa sa board exam.
Balak niyang maipasa National Council Licensure Examination (NCLEX) at kumuha ng master's degree bago makapagsimulang magtrabaho.