Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

10 buwan matapos ang pagsabog ng Taal, sinundan ng pagbaha sa Batangas


Tuloy-tuloy na sana ang pagbangon ng lugar ng Batangas mula sa pagsabog ng Bulkang Taal, sampung buwan na ang nakalilipas, sumunod naman ang hagupit ng isang bagyo na muling sumira sa kabuhayan ng mga residente nito.


Isa ang Batangas sa mga lugar sa Pilipinas na inilagay sa typhoon signal no. 3 at nakaranas ng matinding pagbaha dulot ng bagyong Ulysses.


Bukod sa mga nasirang pananim at mga kabuhayan, laksa-laksang bitak sa mga lupa rin ang natagpuan matapos ang malalakas na pag-ulan.


Ayon sa lokal na awtoridad, 36 na earth fissure o mga bitak ang namataan sa Barangay Apacay. Ang ilan sa mga ito ay naglalakihan at kayang lamnan ng tatlong kabahayan.


Nasa 2,500 residente tuloy ang nangangamba para sa kanilang buhay lalo pa at malapit sila sa mga bitak na ito.


Nakikipag-ugnayan ngayon ang probinsya sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) upang matukoy kung may kinalaman ba sa bulkan o landslide ang mga bitak na ito ngunit nawa ay muling makabangon ang mga Batangueño sa panibagong unos na naganap ngayong taon.

Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive