Your daily dose of updates from Pinoys in Taiwan and Philippines

Anak ng mangingisda, nakapagtapos bilang magna cum laude

 

Marami ang humahanga ngayon sa isang anak na nakapagtapos  bilang magna cum laude sa tulong ng masigasig na paghahanap-buhay ng kaniyang ama na mangingisda.


Si Regine Villamore, 20-anyos, ay nagtapos sa kursong Bachelor of Arts in Liberal Arts and Commerce Major in Communication and Marketing na may karangalan magna cum laude.


Kwento ni Villamore, hindi naging madali ang kaniyang pagtahak sa natamong tagumpay lalo pa  at ang hanap-buhay na pangingisda ng kaniyang ama ay nakadepende rin sa sitwasyon ng panahon.


Aniya, isa na raw malaking bagay sa tuwing aabot ang kita ng kaniyang ama sa P700 sa isang araw. Minsan ay tutulong pa siya sa pagbebenta ng isda pagkalabas sa paaralan madagdagan lamang ang kanilang kita.


Dahil sa kaniyang sipag at tiyaga at pati ng kaniyang magulang, marami ang nabuhayan at nabigyan ng inspirasyon na ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral sa kabila ng hamon ng buhay.

Share:

No comments:

Post a Comment

Popular Posts

Blog Archive