Isang bangkay ng limang taong gulang na babae ang natagpuan sa Oas, Albay matapos matangay ng rumaragasang baha dulot ng bagyong Rolly, ayon sa Philippine Red Cross (PRC) noong Lunes (Nobyembre 2).
Kuwento ng ama ng biktima na si Salvador Manrique, bigla na lamang umano dumating ang rumaragasang sa baha sa kanilang barangay.
Sa lakas ng hampas ng tubig, nabitawan niya ang kamay ng kaniyang anak dahilan upang ito ay matangay at mapahiwalay sa kaniyang pamilya sa Guinobatan na 25 kilometro ang layo sa lugar kung saan siya natagpuan.
Sa ngayon, kasalukuyan pang pinaghahanap ni Manrique ang kaniyang asawa at isa pang anak na kapwa napahiwalay sa kaniya.
Samantala, siyam pa ang tinatayang nasawi sa paghagupit ni supertyphoon Rolly, ang pinakamalakas na bagyong pumasok sa Pilipinas ngayong taon.
No comments:
Post a Comment