Dahil sa pamiminsala ng bagyong Rolly, nangangamba ngayon ang mga residente ng Tabaco City, Albay dahil maaaring sa Disyembre pa muling bumalik ang suplay ng kuryente sa lugar.
Ayon kay Tabaco City Mayor Krisel Lagman-Luistro base sa naging karanasan sa bagyong Niña noong 2016, inaasahan nila na sa Disyembre pa talaga muling magkakaroon ng kuryente sa kanilang komunidad.
Bukod sa mga napinsalang linya ng kuryente, aabot din sa P2 billion ang mga nasirang kabahayan at ari-arian dulot ng super typhoon.
Dahil dito, humihingi si Luistro ng tulong gaya ng pagkain, tubig, at mga housing material para sa mga nabiktima ng kalamidad.
“We request from the national government and private donors to help restore their homes so that they can go back to their villages,” panawagan ni Luistro.
Ang Super typhoon Rolly ang siyang pinakamalakas na bagyong naitala ngayong taon. Nag-second land fall ito sa Albay dahilan upang itaas ang alarma sa lugar sa signal no.4.
No comments:
Post a Comment