Para bang naka-jackpot sa lotto ang isang lalaki sa bansang Malaysia matapos makahanap ng pitaka sa mga panindang ukay-ukay na may lamang limpak-limpak na salapi.
Kwento ni Mohamad Adam Wan Mohamed, plano niyang mag-tayo ng ukayan kung kaya lagi siyang pumupunta sa isang warehouse upang mamili ng mga ukay-ukay na kaniyang ibebenta.
Pagkatapos ay inaayos niya ang mga at isino-sort bilang preparasyon sa pagbubukas ng kaniyang ukayan.
Isang araw, laking gulat na lamang ni Mohamad nang makakita ng makapal na wallet sa isang damit na naglalaman ng RM 16,800 o Php 200,000 kung isasalin sa pera ng Pilipinas.
Hinala niya, nanggaling sa Japan ang pitakang kaniyang nakita dahil Japanese Yen ang currency ng mga salapi sa loob nito.
Dali-dali naman niya itong ipinamalit sa kanilang local currency upang gamitin sa pagpapalago sa kaniyang negosyo.
No comments:
Post a Comment